Tuesday, June 23, 2009

"libog"

"Malibog ka rin ba?" Tanong sakin ng isang seksing kaibigan noon sa kolehiyo. Ura-uradang napadpad agad sa sex ang utak ko ng tanong na yon. Ikaw ba naman ang tanungin ng pinagpapantasyahan mong babae habang kayo lang dalawa ang magkasama sa isang kubong pahingahan ng mga estudyante sa loob ng eskwelahang iyon at habang ang putol-putol na usapan n'yo ay patungkol sa kung ano-anong bagay na nakikita n'yo sa paligid, bigla na lang niyang ibinaling sa libog ang usapan. Aba'y laban na ako!

Pero "medyo" lang ang pa-humble at pa-wholesome kong naisagot. At bago ko pa maitanong kung bakit ay sinisimulan nya nang ikuwento sa akin kung bakit n'ya nga ba naitanong yon. Sa madaling sabi, ando'n ako't buong taimtim lang na nakinig sa pagsasalaysay n'ya ng kanyang buhay pag-ibig na sinira ng libog. Dahil 'ika n'ya sobra daw kasi ang libog ng boyfriend n'ya na humantong pa sa aktong pagkakahuli n'ya ditong nakababaw sa bestfriend n'ya. Nakababaw...na ibig sabihin nakikipagtalik. At kung kailan malapit na sana ako sa rurok ng kaluwalhatian sa piling nya, kung kailan malapit na sana naming isakatuparan ang munting kasalanan na lumalangoy sa init na init ko nang imahinasyon, andon na naman ang mga mapang-usig nyang tanong..."ikaw ba naniniwala na mahalaga ang libog sa isang relasyon?"

Bigla akong natahimik. Nasupalpal ang magda-dunk-shot na sanang kalibugan ko.

Pero para sa akin siempre importante ang libog sa isang mag-syota (o mag-asawa sa madaling sabi) dahil paano ninyo matitikman ang sarap ng pagtatalik kung wala ni kahit kunting libog sa inyong mga katawan? Aba'y kung ganyan eh, para kayong mga tanga n'yan na kayod ng kayod sa ibabaw ng kama ng walang emosyon, masarapan ka man o hinde ay parang napaka-walang kwenta pa rin ng pagtatalik nyo! Patay..! Mas ok pa siguro makwentuhan na lang kayo buong magdamag, baka labasan pa kayo.

Pero hinde ko nasagot ng ganito ang tanong nya, at "siguro" lang ang tanging lumabas sa bibig ko dahil nag-ring na ang alarm na ibig sabihin ay oras na para pumasok sa isa ko pang subject.

Ngunit nanatili sakin ang mga simpleng tanong ng kaibigan kong yun kahit hanggang ngayon na tapos na kami't may mga kani-kanyang buhay na at trabaho. Napadpad na ako sa iba-ibang masaya at sobrang mapanlait na relasyon, nasaktan, nabigo, lumuha, tumawa...mag-isa. Pero masaya ako at nadagdagan na naman ang maisusulat ko sa aking kunwari'y napaka-halagang kasaysayan sa mundo.

Pero ano nga ba talaga ang libog?

Malibog ako, oo, eh, ano ngayon. Pare-pareho lang naman tayong may libog sa katawan, iba-iba nga lang ng dosage.

Pero walang kwenta nga bang pag-usapan pa ang libog na'to? Ang topic na'to?

Oo, natural lang ang libog sa tao dahil alam mo naman nang saklaw ito ng ating pagkatao, ng ating naturalesa. At tulad ng galit, inggit, at iba pang negatibong emosyon, kailangan natin itong kontrolin o gamitin ng tama at naaayon sa lugar, sitwasyon, at panahon, dahil 'ika nga nila ang sobra ay pangit. Pero pangit na din naman siguro kung wala na. Kaya kontrol na lang o i-moderate mo na lang.

Pero kungmahalaga nga ba o hinde ang libog sa isang tao ay ewan ko lang.

Siguro?

Para sa akin, ang libog ay may kakayahang magpundar ng isang matatag at masayang relasyon ngunit ito rin mismo ay kayang-kayang gibain mag-isa ang relasyong ito.

Mayaman sa kuwento ang libog. Sumisira ito ng pangalan, relasyon, at maging ng kinabukasan. Pero hinde ito ang punto ng ibig kong sabihin ngayon. Maaaring boring o walang kwentang pag-usapan ang libog para sa iba ngunit sobrang exciting naman ito sa karamihan lalo na kung detalyado o aktuwal ang pagkakasalaysay dito, naku! Siguradong pati mga balahibo mo sa batok magsisitayuan! Magpa-flag ceremony! Kaya ano pa nga ba't napamahal na sa masang pilipino si Xerex 'di ba? Habang sa front page naman ng dyaryong ito ay mababasa mo "10-anyos na Dalagita, Ginahasa ng Tatay".

Nakakatawa 'di ba?

Lalo pa't mas lalo na ngayong inilapit sa simpleng mamamayan ang mundo ng kahalayan sa pamamagitan ng internet na kahit mga batang nasa elementarya pa lang ay malaya nang nakakapasok sa iba't ibang site ng kalibugan dahil napakadaling magsinungaling sa World Wild Web!

Bilang isang tinedyer, tulad mo malawak at wala ding sinasanto ang aking imahinasyon. kahit kasulok-sulokan, mga imposible at tinatawag ng ibang kasalanan ay binibisita ko. Sinusubukan ko. Halos walang limitasyon ang aking pagpapantasya na kahit mga diyosa't maging si Lucifera ay nakakasama ko. At kahit ang dalagita pa lang na si Cleopatra ay buong tapang na nakipagniig na sa akin sa ilalim ng punongkahoy na s'ya naming paboritong tagpuan.

Kabaliwan ang masayang deskripson sa mga karanasang ito ngunit para sa akin, at dahil hinde ko naman binibigyan ng kahalagan at kaseryosohan ang mga ito kaya ayos lang. Lumilipas na lang ang mga imahinasyong ito't kusang nawawala sa aking mga ala-ala. Agad ko namang naibabaon sa limot ang mga kabaliwang ito dahil isang lingon lang, balik ka na agad sa katotohanan. Ang kahinaan ng loob at pagkakaroon ng takot sa Hinaharap ang humihila sa akin upang agad na mabaon sa limot ang mga pantasyang ito. At dahil kahit kailanman ay ni hinde sumagi sa isip ko na subukang dalhin sa tunay na buhay ang mga tauhang ito ng aking munting kabaliwan. Gaano man kalala o kainit ang libog mo ngayon...kontrol, may bukas pang nakaabang saiyo bata.

At ano naman ngayon kung nag-iinit ka sa t'wing nakikita o nakakadikit sa katawan mo ang kaibigan o syota ng kaibigan mo, o pinsan mo, o anak ng kapitbahay mo na bakat na ang kaseksihan at nakakapanggigil na pigura nito. At habang ang halimuyak ng kanyang pabango ay tila mga maliliit na kable ng kuryenteng kumikiliti sa buo mong kalamnan, dahan-dahan namang dinadala ka na sa malayo ng iyong malikot na imahinasyon. Ngunti kahit pa nararamdaman (o inaakala) mo na sinasadya naman na n'yang ibangga-bangga sa tagiliran mo ang malusog n'yang dibdib at halos nasasalat mo na ang kanyang matambok na hiyas, aba'y naku! Easy...relax ka lang! Wala kang aksyon na dapat gawin kaibigan dahil ikaw at ang iyong kalibogan lang ang nag-iisip ng digmaan. Wala kang dapat gawin kundi umiwas at takasan na lang ang kahalayang unti-unting nangingibabaw sayo. Lumayo ka. Lalo pa't wala namang malinaw na paanyaya o imbitasyon o konsenti galing sa kabilang pwersa ng digmaan. Nanginginig na man nga ang buo mong kalamnan at handang handa nang makipagtagisan ng lakas, sori...pero para sa akin, umiwas ka na lang. Atras Diego...atras.

Depende na lang kung matapang ka dahil wala lang talagang kontrol sa sarili at hinde mo mapigil ang masamang espiritung nais sumakop sayo kaya susunggab ka na agad o di naman kaya'y ikaw na mismo ang maghahamon (depende sa iyong istilo at pamamaraan siempre), at pagkatapos ay saka ninyo idedeklara sa isa't isa na ang lahat ay isa lamang magandang karanasan. Parang subok lang ba, at depende na rin lang sainyo kung sino na pagkatapos ang may gustong maulit pa ang lahat. Mangungulit...at posible yun dahil bihira ang taong umaayaw sa sarap at ginhawa. Di ba? Kaya susugod ka na naman. Hanggang sa di mo namamalayan wala ka na palang pakialam sa moralidad, maging saiyong bukas.

Sa huli, nais ko lang sabihin ulit na ang libog, katulad ng galit, inggit, at iba pang negatibong emosyon ay nasa naturalesa na ng tao, at hinde ko ito kinukondena. Subalit kailangan nating amuin at gawing mga kapaki-pakinabang na parte ng ating pagkatao ang mga emosyong ito. Hinde naman kailangang wasakin o patayin dahil kahit paano'y kailangan at mahalaga, dapat nga lang gamitin sa tamang paraan. Sa tama at naaayon sa lugar, sitwasyon, at panahon, at maging sa iba pang taong makakakita. Ngunit kung kailan at saan yun ay diskarte mo na lang.

Dahil ganyan kasaya at ka-exciting ang buhay natin kahit medyo komplikado nga lang. Ngunit mahalaga ang balanse. Parang tayo, puso't isipan, gabi't araw. Ilalim at ibabaw, at itim at puti lamang. Wala nang iba.

Puti at itim.

Kapag nangingibabaw ang puti, mawawala ang itim, at kapag nawala ang puti mangingibabaw ang kadiliman.

At kung mayroon man ngang pumapagitna dito, pagpasensyahan sana dahil hinde ko alam. Kung alam mo, please paki advice na lang sa akin anuman yon.
- themindrebel13d.blogspot.com

No comments:

Post a Comment